Make your own free website on Tripod.com


Pops Article 6

 

 



Manila Bulletin
Nov 17, 1999
by Rowena Agilada


Sino talagang nagmamahal kay Pops?
HINDI naapektuhan ng strike ng ilang SM North EDSA
employees ang mall show ni Pops Fernandez sa SM
Ac-tivity Center last Sa-turday (Nov.13). Marami paring
fans and shoppers ang nanood kaya ganadong
mag-perform si Pops.

Kinanta niya ang ilang awitin mula sa kanyang "Moments"
album. Cute ang ta-nong ni Pops sa au-dience kung
ano raw bang dapat gawin kung halimbawang may dati kang mahal,
'tapos may nakilala kang bagong magma-mahal sa iyo.
Marami ang nagsasabing iwa-nan niya 'yung dati niyang mahal.

"Gano'n? Marami na talaga ang liberated women ngayon. Ako
na lang yata ang nati-tirang conservative,"
nakangiting sabi na-man ni Pops. May mga nagsabi
namang sundin niya kung ano'ng dikta ng kan-yang puso.
Napangiti si Pops, sabay sabing, "Sa tingin n'yo mukha
ba 'kong in love ngayon?"

Isang malakas na "Oo" ang isinagot ng audience.
"Kanino?" balik tanong ni Pops. Pero walang nagbang-git ng pangalan.
Gusto tuloy isigaw ng katabi naming entertainment editor ang
pangalan ni Aga Muhlach.
Well, hindi kasi ito kumbinsidong si Troy Montero ang
nagma-mahal kay Pops. Ayaw ni Charlene Gonzales.

Anyway, kung wala pa kayong kopya ng "Moments" album ni
Pops, worth buying ito lalo na ang CD nito dahil very
impressive ang packaging bukod pa sa magagandang revivals
ang nakapa-loob. Pang emote ang mga kanta na ayon kay
Pops ay very me-morable sa kanya. "Just When I Needed You Most"
ang carrier single ng kanyang album na released ng Viva Records.

Bukod sa pagpo-promote ng kanyang album, busy rin si Pops
sa promotion ng kanyang comeback movie na "Linlang" under
Viva Films wherein she co-stars with Richard Gomez and Joyce Jimenez.

butterfly.gif (882 bytes)

______________________________

back article 5

next article 7

Back to main
Articles Section

Back to main
Table Of Contents
________________________

breaker.gif (25972 bytes)

Thanks to Alma for taking the time to type up several articles for fans to read.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@